mixed emotions

Masisisi ko ba ang aking sarili sa kalituhang aking nadarama?

Sa tagal ng panahon, sanay na sanay na akong mapag-isa. Sanay ako na ang pangunahing isinasaalang alang ay ang aking sariling opinyon at opinyon ng mga taong mahalaga sa akin. Kasalanan ko bang masanay sa takbo ng aking buhay na umiikot lamang sa sarili?

Siguro nga totoo na may mga pader akong nilikha, pinagtibay at ginawang pundasyon para sa aking kapakanan. At sa tuwing may isang taong darating at sumusubok na gibain ito upang ako'y mahalubilo, kasalanan ko ba kung nahihiwagaan ako sa damdamin ko?

Malamang hindi ako dapat sisihin. Ang panahon ang gumawa ng paraan. Ang aking kailangan ay hindi ang paninisi kundi ang suporta at higit na pinagtibay na aksyon.

Alam kong madami nga akong dahilan, pero ano ang gagawin ko? Sa tuwing naiisip ko, mas marami pang nalilikhang tensyon ang aking kaisipan.

Gaano man katibay ang pader, guguho at guguho ito sa tamang pwersa at tamang panahon.



Comments

Popular posts from this blog

Love you to the heavens

Diffi-CULT

how to get a band score 6 and up without a review center