lenggwahe de fruta
..nalilito, ang puso ko’y nabubugbog (?), ako nga ba’y minahal mo?..hindi makontak, ang layo, kailanma’y di ko nabihag ang iyong puso..
(In English,..so confused, my heart’s bruised, was I ever loved by you..out of reach, so far, i never had your heart..)
Para maiba, bakit di gamitin ang ating lenggwahe upang maiparamdam ang saloobin? ( handa na ang aking panyong ibinalabal ko na sa aking ilong, tumutulo na ang dugo, ngunit kakayanin kong
tapusin to..haha)
Pauwi na ako nang maramdaman kong kumukulo na ang aking sikmura. Gutom na gutom, imbes na dumiretso ng bahay, naisip kong pumunta sa *mol. Kumain ako sa isang *bilis-pagkain (fastfood), at pumwesto sa gitnang bahagi. “Ano ngayun kung nag iisa ako?” hiyaw ng isip ko. Nang makita ko ang pagkain, nilantakan ko na, wala ng pakialamanan, hindi ko naman ninakaw yun. Ngumunguya ako nang mapansin kong may pumwestong mala amerikanong binata sa aking harapan. Makisig, Maamo ang mukha. Mala-adonis ang tayo. Ang puso ko! Ako’y medyo napatanga (Syaks! tipo!) pero di ko pinahalata. Sumusulyap sulyap sya at ako nama’y patay-malisya. Mamaya na ako mahihiya, sayang ang *burger ko. Kaya yun, ganang gana.Tatapusin ko na muna ang pagkain at ng matutukan ko si Adonis pagkatapos.
Hanggang, Tumingin ulit sya, handa na akong makipagtinginan kung iyon ang gusto nya. Pinatatag ko ang aking kalooban, paminsan minsan lang naman ang ganito kong topak. Tumingin ulit sya sa bahagi ko, unti unting sumilay ang ngiti ang mga mata’y parang ngumingiti rin, napahawak ako sa aking dibdib, di ko na kakayanin. Hindi ko na napigilan at pinalasap ko na sa kanya ang pamatay kong ngiti sabay kirap ng aking mata. (buti nalang at malayo at nang di nya apansin ang aking muta)
Nang bigla kong napansin, lumalampas ang kanyang titig, ako nama’y napahinto at tumingin sa likuran, Ayun! may isang babae palang mala-birhen sa kagandahan, mala-dyesebel sa kaseksihan, nakatitig din sa mala- Amerikanong makisig na binata.
Hay, Ang puso ko! Hanggang kailan kaya ito madudurog? Hanggang saan ang kaya ko upang hindi gaanong umasa, di gaanong masaktan? Patuloy ang pag-inog ng mundo, patuloy ang buhay-pag ibig ng nakararami. Halos lahat. Pero ako, patuloy na umaasa. Umaasa noon, umaasa parin. Bakit nga kasi kay ilap ng totoong pag ibig? Bakit sadyang kay dalang ng tamang tao ngayong sa palagay ko’y ngayun na ang tamang panahon? Bakit kung sino yung gusto mo, sya pa’ng aayaw ayaw gayung may pinapahiwatig naman? Masasabi mo bang hindi ka talaga nya gusto at napipilitan lamang syang ipahiwatig sayo ang dapat sana’y dun sa taong totoong mahal nya?
Palagi kong sinasabing, darating din sya, ngunit paano kung, hindi ko na makayanang maghintay? Naisip ko, hindi naman ito problema. Sadyang ganito lang talaga ang tadhana para sa akin, ngunit hindi ba’t ako mismo ang gumagawa ng aking tadhana? Tukso, buska, pahaging, o kung anumang uri ng pagpaparamdam sayo na ikaw’y nag-iisa, siguro’y hindi ko pa naman naramdaman yun. E panu, tinatawanan ko lang. Masaya naman ako noh, hindi desperada, muntikan lang.
Pero siguro nga’y darating din ang tamang panahon. Yung alam kong handang handa na ako a maging siya. Ang hinihiling ko lang naman kasi ay… basta alam na ng Poon. Anu’t anupaman, hindi lang naman ako.
Siguro nga, hindi naman ito gaanong importante upang tuluyan akong maapektuhan. Ngunit naisip ko, mas mabuti ding mag isip ng mga ganito kaysa mag isip ng mga bagay bagay na may masamang epekto sa paghangad ko sa maliwanag na bukas.
Datapwat mas mabuti nga at may pag uusapan, kaysa naman wala talaga diba?
Ewan ko ba! basta! ang pag-ibig nga naman oo, nambubugbog ng puso..hahaha

Comments