kanta-a-mahirap
Kahit nais kong magsulat na gamit ang wikang Ingles, sisikapin ko sa pangatlong pagkakataon ang magsulat sa wikang aking nakagisnan. Kung tutuusin siguro'y kung wala ang telebisyon at radyo, pati mga pahayagan, malamang di ko naman tlaga matututunang magsalita nito. Paano'y sa aming pook, bisaya naman talaga ang pangunahing dayalekto. Subalit, ang aking pagsulat ay t ungkol sa isang napipintong paglalakwatsa este pagkakaroon ng pagkakataong mag aral ng kultura, ng ibang lahi at makatagpo ng mga bagong kakilala. Hindi naman paglalakwatsa yun diba? Datapwat ito'y isang mahalagang kaganapan. Iyon bang maaari mong balik balikan sa iyong gunita kung ikaw'y matanda na at nakaupo na lamang sa silya habang naggagantsilyo. Ang aking mga paglalakbay ay sadyang napakaespesyal. Lalong dumaraming napupuntahan, lalong maraming natututunan. Para sa akin, ito'y lakbay-aral. Maaaring sa iba'y ito'y ganap na kapritso lamang. Pagsasayang hindi lamang ng pera kundi ng panahon. ...