kanta-a-mahirap
Kahit nais kong magsulat na gamit ang wikang Ingles, sisikapin ko sa pangatlong pagkakataon ang magsulat sa wikang aking nakagisnan.
Kung tutuusin siguro'y kung wala ang telebisyon at radyo, pati mga pahayagan, malamang di ko naman tlaga matututunang magsalita nito. Paano'y sa aming pook, bisaya naman talaga ang pangunahing dayalekto.
Subalit, ang aking pagsulat ay tungkol sa isang napipintong paglalakwatsa este pagkakaroon ng pagkakataong mag aral ng kultura, ng ibang lahi at makatagpo ng mga bagong kakilala. Hindi naman paglalakwatsa yun diba? Datapwat ito'y isang mahalagang kaganapan. Iyon bang maaari mong balik balikan sa iyong gunita kung ikaw'y matanda na at nakaupo na lamang sa silya habang naggagantsilyo.
Ang aking mga paglalakbay ay sadyang napakaespesyal. Lalong dumaraming napupuntahan, lalong maraming natututunan. Para sa akin, ito'y lakbay-aral. Maaaring sa iba'y ito'y ganap na kapritso lamang. Pagsasayang hindi lamang ng pera kundi ng panahon. Ngunit, ito ang masasabi ko, Nandoon ba sila kasama ko? Naramdaman ba nila ang kasiyahang dulot ng mga ito? Ang magmasid, maglakad, makihalubilo at matutong magpahalaga ng buhay sapagkat ito'y maikli lamang? Naramdaman ba nila ang kasiyahang, masidkubre na ang mundo'y hindi lamang umiikot sa sarili? Na ang mundo'y bilog at marami ang nagmamay ari?
Maari ngang naramdaman nila yun ngunit hindi sa pamamagitan ng paglalakbay. Sabagay, ang ugat ng kasiyahan ay sa iba't ibang lebel. Ito ay nasa iba't ibang intensidad. Para sa akin, ang bawat paglalakbay ay nagsasaad ng iba't ibang anggulo ng aking buhay. Bakit ko ipagkakait ang pagkakataong mabuhay sa labas ng iginuhit na kahon? Bakit ko ipagdadamot sa sarili ko ang kaligayahang makita at matamasa ang aking tagumpay? Tayong mga tao ay may iba't ibang hilig. Kung ang iba'y maubos na ang pera sa pagbibili ng mga mamahaling pabango, bag at sapatos, ako'y hindi. Sa paglalakbay ang aking bisyo.
Ewan ko ba, minsan naiisip ko din, kung inipon ko ang lahat ng perang aking iginastos sa mga pagpunta punta sa mga lugar, malamang, makapal ang pitaka ko, ilang numero na din ang laman ng aking account sa bangko. Siyempre, nakakapanghinayang. Sa tagal kong pagtatrabaho, kung iisipin, wala akong yamang naipundar. Wala akong perang libu-libo. Ang alam kong mayroon ako ay... isanlibo't isanlaksa ng mga alaala. Milyunaryo ako sa larawan. Bilyunaryo ako sa karanasan. Ang bawat larawan ay nagsasaad ng napakaraming kwento. Ang alam ko lang, marami akong maibabahagi sa aking mga apo pag nagkataon.
Bakit ba napunta na sa alaala ang kwentong ito? Ah, basta ang napipinto kong paglalayag ay espesyal sa akin. Sana... Sana... ah basta! Sa ngayon, ang mga daliri ko'y pinagkrus ko na. Malapit na. Hindi pa nga ito panahon ng paggantsilyo, marami pang didiskubrehing pasilyo sa kastilyo! =)

Comments