confession of a convert
Kung
kelan tumanda, dun pa nalulong!
Kung
maka-“lulong” naman, kala mo kung anong droga… this is more addicting than
droga.
I
have branched out (branched out talaga?) to KPOP idols, korean variety shows
and even GIF clips of there KOREAN personalities, On top of being a Jadine
Convert.
Naalala
ko tuloy si Clark nung nagconfess sya kay
Leah, yun yung: “eto na yun, ubos na
ubos na ako, wala na akong kaya pang ibigay”… INTENSE! Ganyang ganyan ang
damdamin ko na pati shows na walang audio pinatos ko na at pati picture ng aso
ni Nadine, sinave ko sa phone ko. Inalagaan
kong parang akin.
San
ka pa, Friday nights and you’d think about going home na kasi may icacatch up
ka pang episodes. Hindi pwedeng makamiss kasi tiyak na di ka makakarelate sa
latest chika ng mga barkada mong bumubuo ng 200 unread messages ng facebook
messenger mo.
E
ayaw ko namang basahin kasi real-time and chismisan, while simultaneous ang
palabas ni Leah at Clark . No spoilers please!!
Marami
din akong nahasang skills sa kakapanood, akalain mong, na a-unleash pala ang
mga sumusunod:
1)
Investigative skills-- daig ko pa
yung taga bureau, detective Conan here we go, walang makakaligtas kakadig ng
mga panibagong impormasyon, isingit ang screenshot as exhibit A. Hindi pwedeng
walang basehan kasi nagiging “gawa-gawa” na lamang sya. So pagsabing, huy yung
kissing scene grabe!!! (insert screenshot1 ) (insert screenshot 2) (insert link if any) . Ganun yun!. Isa pa,
nahahasa ang skills kakaretrieve nung mga binurang posts take, for example, litratong pinost
ni Nadine 15 seconds ago pero dinelete kasi di bumagay sa mala-tumblr-ish nyang
instagram profile. Wait lang, give me 10 sec, I can bring it back!
2)
Lawyering skills—uy, may ADDU con post, may babae daw from Davao as GF ni james! Wait!!
Bakit ngayon lang nilabas? Puno ng paghihimagsik kong binasa ang nasabing post
at natanto kong, isang malaking ilusyon. Over my dead venomous body! (wag nang
voluptuous,di pa arrive!) pero sa
usaping Inah Evans vs people of Jadine, este James, ayaw ko mang aminin
sapagkat nagiging unloyal ako… naniniwala ako kay mother kepler Inah. (oha oha,
may beki words na din akong nalalaman) tinimbang kong maigi ang isyu na parang
usapin ng territorial claim ng China
against Spratley at Parecel
Islands , at napagtanto
kong, ang mga salita ni Inah tungkol sa kanyang nakita ay consistent. By virtue of power vested in me as a
bystander, I now pronounce you telling the truth. hihi
3)
Interpersonal skills-- my favourite. Mga kaibigang di mo nakakausap araw
araw, masusurprise ka nalang, nagmemessage,
naghahayag ng opinion sa natapos na episode o sa isyung nakatanghay sa
kasalukuyan. Saan ka mang parte ng mundo, join ka sa usapin na may malaking
ambag sa development ng humanity. haha Ang malimit na paggamit ng tamang
pagpapahayag ng saloobin, paniniwala, demokrasya ng pananalita at
pakikipagtalastasan sa mga kuru-kurong puno ng spekulasyon sa mga “intelligent
discussions” kung saan active member ako. Jadine singapore , represent!!
Ilan
lamang ito sa mga nasinop kong abilidad.
At
sa pagkalulong kong ito marami akong nakalimutan--- pangungulila, kalungkutan,
pati na rin sinaing kong hindi naihain at nilabhan kong naghihintay pang
maisampay.
I
still can’t believe It, I have friends closer than ever kasi gabi gabi ito ang pulutan.
May magkakaibang opinion, iba’t ibang pinaniniwalaan, may die hard fans, loyal
at mejo unloyal. May madaling bumibitiw at may excited magmove on from the
issue but isa ang something that holds us together… our being fanatic!
Comments