Poor

Narealize ko...

> Mahirap maging tambay
> Mahirap makisama sa hindi pamilya
> Mahirap magbudget sa pang araw-araw na pagkain
> Mahirap ilabas ang saloobin ng ganyan ganyan lang
> Mahirap maglaba ng panties
> Mahirap umuwi na walang pagkain na nakahanda na sa mesa (paano pa kaya kung pag uwi galing sa trabaho)
> Mahirap maghintay
> Mahirap umasa
> Mahirap umintindi sa bad mood ng iba
> Mahirap kumain ng nag iisa
> Mahirap mag isip ng isusuot sa bonggang interview
> Mahirap mawalay sa pamilya ng ganito katagal o mas matagal pa
> Mahirap makamiss sa mga taong akala mo noon ok lang kasi anjan palagi para sa yo
> Mahirap maging busy pag nasa bahay lang
> Mahirap matulog kung may iniisip
> Mahirap maglakad sa tindi ng init para makaabot sa call time ng interview
> Mahirap akong intindihin
> Mahirap akong pakisamahan pag ayoko
> Mahirap pag walang pera
> Mahirap ienjoy ang magandang lugar kung walang camera
> Mahirap bigyan ng pag asa ang mga hindi na umaasa
> Mahirap mag isip tungkol sa buhay pag ibig at sa future nito
> Mahirap magluto kung walang stock sa ref
> Mahirap kung mejo nagkakasakit ka na sa katamaran
> Mahirap kumain kung ayaw ko ang ulam
> Mahirap ang mamuhay sa ibang bansa
> Mahirap makalimutan ang career na gusto mo
> Mahirap sumang ayon sa mga desisyon na di mo feel
> Mahirap magsabi ng totoo kung mas makabubuting wag nalang sabihin
> Mahirap walang kapatid dito
> Mahirap walang mga kaibigan other than your housemates
> Mahirap kumuha ng pambayad sa renta
> Mahirap magtext o tumawag lalo na't nagtitipid sa load dito
> Mahirap maggrocery na bigas at canned goods ang binili, ang bigat pauwi
> Mahirap magtiis sa sangsang ng amoy ng mga kilikili at katawan as a whole
> Mahirap magsalita ng straight English kasi di ka maiintindihan, panu na kaya kung broken English
> Mahirap intindihin ang pagsasalita ng mga interviewer
> Mahirap makipagsiksikan sa MRT
> Mahirap mainitan kasi nagiging masangsang din ang amoy ko

> Mahirap isulat ang lahat ng mahirap dito, baka gustuhin ko nang umuwi nalang! LOL

Comments

Popular posts from this blog

Love you to the heavens

Diffi-CULT

how to get a band score 6 and up without a review center