aboard abroad!

Hanggang saan, hanggang kelan?

I've said this before and I'm saying it now... Hindi madali ang mag abroad. Homesick ang matinding kalaban. Ilang buwan pa lang ako dito pero ha, sobrang homesick na ung nararamdaman ko, andun na yung feeling na sinisilihan na sa puwet at uwing-uwi na. lalo na ngayon, magpapasko.

Naalala ko noon, akala ko talaga sobrang sarap lang ng buhay pag nasa labas kasi may naiipon, may package na maipapadala etc. Paano naman kasi, mejo nasanay akong makakita ng mga kapitbahay na nag abroad, ayun, they're the ones na may malaking bahay, may iilang sasakyan, may naipon sa bangko, in short, naging may kaya. Maibiblame ba ako, eh yun yung narinig ko kay Aling Tasing? Kesyo eto si juana, nagpadala ng ganito, ganyan. Ang sarap isipin diba? Natatak sa batang utak ko na ganun.

Mahirap pala. Mahirap ang mawalay sa pamilya. Mahirap ang magtrabaho na hindi masyadong naiintindihan ang chika ng mga co-workers, may language barrier. Mahirap magbudget ng isang buwang sweldo na once lamang binibgay, end of the month. Mahirap makipagsiksikan sa tren na may amoy yung mga kadaupang palad. (please see previous post sa daming hirap)

Pero huwag ka, kamakailan lamang, I think pinabasa ni kapalaran ng sadya sakin at ng may mapasok sa mejo average-sized kung utak... quote, ang sabi, "Don't spoil what you have by desiring what you don't have because what you have now is one of the many things you once prayed for." and looking back, Tumpak si quote! Bakit? Kasi minsan sa sobrang pagnanais na maabot ang ginugusto, todo effort talaga tapos pagnakuha na nawawalan na ng challenge. Bakit ko alam? Kasi ganyan ako.

Pag nakuha mo ang isang bagay na ninais mo, wag mo nang balikang isipin yung pinakawalan mo para makuha ito. nagkecreate ng mixed signals yun, nakakaconfuse kung ano talaga yung mas trip mo. Pero ako, Ewan ko lang ha, ewan ko kung normal or hindi, naeexcite ako sa chasing phase, mapa trabaho o lalake man (ay may ganun? lol)

Kidding aside, sometimes I feel I dream so much that I do everything to run after it, parang super challenging na makuha ang isang bagay na ginusto ko pero pag nakuha ko na, ibang level ng challenge pala. Just recently, I realized ha, ang pinakachallenging pala na phase ng dreaming is the "living of the dream", that phase is when you got what you wanted and your life has been changed.

Seryoso, may mga moments din naman na inisip ko kung gusto ko ba talaga yung winish ko. Ang problema lang kasi, sa dami ng gusto, nawawalan ng focus kung ano ba talaga yung pinakamahalaga. Di maiiwasan may mga pagsisisi, pero syempre life should be about moving forward. Di dapat magdwell sa mga tapos na, ilang tonelada man ng luha ang pwedeng iluha, di na mababalik ang kahapon, walang ibang choice kundi mag move on and to enjoy the present. Kasi nga, not everyone is given the chance to experience what you have. Seize the moment sabi pa ni Captain America!

Don't get me wrong, super thankful ako for everything that I have become. Kaya nga naisip ko, wala talaga akong karapatang magreklamo, o mainggit sa blessings ng iba. Napakaungrateful. Nung nanghingi naman ako ng ulan, bumaha pa, nung nanghingi ako ng sunlight, nag el nino din. So sobra sobra pa sa hinahangad ko yung nakukuha.

Hindi man madali ang journey nato, tanong ko lang, si Albert Einstein ba ay hindi naghirap nung on the process sya sa pagbuo ng E=MC2? Ang Wright Brothers ba di naghirap nung gumagawa sila ng thesis for an aircraft? Eh si Darna ba di din naghirap mapagkasya lamang ung 22 inch waistline pattern nya nung red-blue with a star costume nya?

Hypothetical lang naman. ^^

Comments

Popular posts from this blog

Love you to the heavens

Diffi-CULT

how to get a band score 6 and up without a review center