selos
BABALA. ANG POST NA ITO AY NAGLALAMAN NG DI MGA KANAIS NAIS NA LAMAN. Lol
So ano ba ang ipinuputok ng butse ko? Wala. Mga walang kwentang bagay. Walang kwentang damdamin para sa mga walang kwentang tao.
Hear this out, sa walang kakwenta kwentang dahilan di ko ma stand ang pagtingin tingin sa profile nila. Bakit? Kasi nga walang kwenta. Di ko din alam kung ano yung talagang napi feel ko.
Must be selos right? Haha okay aaminin ko na. SLIGHT.
It isn’t naman reasonable to feel anger towards them. Wag ganun. The opposite of love is hate. So di naman ganun ka importante para pagtuunan ng ganung emosyon. Too intense. And although it sounds bitter, bakit ba? I am just being true. I don’t hate nor dislike them, I just feel di ko pa lang bet makipag chummy chummy. Psychological reasons.
Sa ngayun, di ko pa lang siguro lubos na maaccept. But I know in time, I’ll just go over their profiles and laugh at myself for being nonchalantly funny. Imagine, di ko kunwari tinitingnan, at once, binlock ko pa? para ano? Ewan ko. I just felt it was the right thing to do, to shut off people in my life na nagkocause ng discomfort sakin. Funny diba? As if may karapatan.
Someday, this story is worth telling. This is hilarious. Imagine, feelingerang affected e di naman kasali sa eksena? Ito ay isang laugh trip in the future. For now, di ko nalang muna iseshare kasi di ko pa ganap na tanggap. Parang buhos na buhos pa ang aking atensyon dun and somehow nasasaktan ako.
Not naman, in its basic most hurtful form, nasasaktan yung pride ko kasi di ako yung pinili. Parang contest lang yan e, no matter how happy you are sa fate nung nanalo, syempre may mapifeel ka parin kahit konting bitterness para sa self mo. Aminin.
Or siguro, nasasaktan talaga ang mga umaasa kahit papaano. Kasi naman, nagkecreate ka na ng scenes mo sa isip mo yun pala hanggang sa isip lang. Yung ganun? Parang broken promises. Yung hanggang bibig lang pala ang lahat. So yun, I don’t like promises, if you do something, do it first before you make pabida rather than vice versa, atleast may nakita na ako.
Added to this is the pressure, friends are putting on. Kesyo kung nasaktan ba daw ako, susme, magbablack nalang ang lahat ng white sa mundo, nuncang aamin ako. May mga paprotect protect pa silang nalalaman. I find it funny, how do you intend to protect someone when that someone never really admitted the true cause?
Which brings me, somehow, I am glad I never really admitted anything. Or else, masasaktan ng bonggang bongga yung pride ko. Pero di nga, bakit ba ako affected? Hindi talaga dapat. Kaloka! I try to inject some sense sa napupurol ko na utak. Mali taalga na magsour graping. Mali na magcompare at lalong mali yung makafeel ng mga strange emotions kasi wala talagang karapatan.
Is this normal? Or once again, Am I abnormal?
Hay naku! Ang puso ko. Dapat talaga makakilala ng maraming maraming mga prospects, only then kasi marerecognize ko kung ano talaga yung true feelings ko. Baka naman kasi I am just blinded kasi for years, tinreasure ko sya, yun pala pilak lang yung akala kong ginto na!
Hay Precious, di ka pa nasanay!?
Comments