HS plants

I am at my richest kapag:
:: naka Mcdo after shool (shoot na sa mall after 3PM)
:: naka recess ng luglug sa canteen with Mountain Dew (pronounced as DOO)
:: nakabili ng sandals na pareho sa lahat ng berks (sa Ferretti)
:: nakabitbit ng Nokia 3310 (improved from my N5110)

That was almost 8 years ago. Yun yung feeling popular, feeling cool at feeling superwoman pa ang peg ng lola mo. At least diba dumaan sa ganung punto ng High School Life. Sabi pa nga sa kanta, High School Life, oh my High School Life, talagang kasing saya…

What do I miss most? Yung Crush ko  pero di nga, I miss the Girls... Sila yung 4 girls who made it extra special for me to walk down the corridors of HCDC. We’ve had our best time, best kulitan, best awayan, best suportahan. Nakakamiss. Sinu-sino sila.

The Bamboo. Best quality: resilience. Power: Intense. Siya yung,haligi ng grupo. She stands proud kasi siya yung kahit gaano kaharsh ng wind, tatayo at tatayo parin. Bamboos may seem weak but may flexibility ito na intense. Isang pitik, and you know you’re in pain. I call her the fighter bone. Paano naaway nya ata kami isa-isa sa grupo but it’s just not that, she’ll also fight for you. Nevertheless, sya yung kaibigan na maaasahan. Someone you can talk to at sasabihan ka talaga ng totohanan kung ano ang opinion nya, masaktan ka man, basta totoo lang.

The Vine. . Best quality: Sticking Power. Silent but Deadly. She’s the less bubbly persona. Isang dormant volcano who holds her horses but once you provoke her, yun na. She’s a very good listener. She will stick with you and comfort you sa mga vulnerable times. Siya yung mas matured when it comes to family and responsibilities. Siya yung mapagkukwentuhan mo ng realidad kasi grounded sa lupa.

The Rose. Best quality: Have it all Power: Fluctuating. Everyone loves her. She’s got it all, beauty, brains and talents to die for. Nung nagsabog si fairy godmother ng kagandahang dapat taglayin ng kababaihan, malamang may basket sya at nasalo nya ito, iwinisik sa body nya at boom! Sya na! Ewan ko ba, I feel na sya yung untouchable sa grupo ever since. Habang kami ay inuulan ng pagpuna, sya yung super steady lang. Love ng marami. Maraming drama sa katawan, naalala ko pa kumanta ng Regine, nag mala-MTV kasi may kandila2 pa ang ganap. Sometimes she gets too clouded. Madaling maapektuhan, madaling maimpluwensyahan ang decisions nya sa life but Di lang nya narerealize ng bongga na marami ang naiinggit sa kung ano ang meron sya.

The Sampaguita. Best quality: Multimedia Power. Flailing. Popular. Siya yung may taglay ng kakaibang karisma. Bubbly at magaan kasama. A breakthrough in her own art. Siya yung isang taong you can share something and her eyes will grow wider, nadadala sa kwento. She has a number of friends kasi nga very adaptable yung persona. She can agree with you full of intensity and disagree in a descending way. I think kasi she doesn’t want to offend anyone. If she doesn’t like your idea, she’ll say it in a rather nice way. Ang kanyang signature PABOrito laugh.

Sila yung mga halaman ng buhay ko. My girls. Girls who made my High School very fun and fulfilling.
At now I realize, we all are living in separate lives apart from each other. But then again, pumapasok yung paulit ulit na tanong, Ano ang magiging factor para mahinder yung friendship? 8 years ago I remembered I answered LOCATION.

And now I know that I was so wrong. We’re just plants, plants which grow and continue to blossom.

I love and miss KRAMP! :D


Comments

Popular posts from this blog

Love you to the heavens

Diffi-CULT

how to get a band score 6 and up without a review center