palibhasa bata
Mama, next year na... And she was like, "Are you sure? Why?" Wow! At para naman kaming nag-usap ng aking pagpapasakal, este pagpapakasal noh? Ngunit sa di mawaring dahilan, siguro'y ganun na nga ang parang nararamdaman ko. Yun bang, excited na medyo natatakot? Yun bang Handa na pero may ideya pa ring umatras? Yung ganun. Pero hindi, hindi kasi dapat magdalawang isip sa mga panibagong hakbang na tatahakin. Sabi pa nga, "when in doubt, don't do it"... Eh paano nga kung susundin ko yun, ano nalang kaya ang mangyayari sa buhay ko? Mananatili akong naka hang sa ere. Hindi alam ang gagawin, nakalawit ang dila, magulo ang buhok, blangko ang ekspresyon at walang kabuhay buhay ang mga mata. Ang sagwa! Naiisip kong siguro ay panahon na. Hindi na naman ako bumabata at kelangan ko ng matutuhan at makilalang maigi ang aking sarili. Isa itong sugal, napakalaking sugal na lahat yata ang itinataya. Siguro nga'y hindi wais ang ideya kong ito. Ngunit sino nga ba ang makap...