pansin
Naglalakad ako sa isang aisle ng grocery, masayang
nagkukwentuhan ng kabarkada kong di ko nakita ng mahigit sampung taon. 10
years?! Can you imagine?
Kumusta na si (name of classmate)? Di ba nagkaanak
na sya?..
O si (name of classmate), bigtime na!...
O si maam (name of teacher), kumusta?
Nagrereminisce ng mga masasayang kahapon,
nagtatawanan habang binabalikan ang bloopers ng high school.
Kay bilis ng panahon at nandito na tayo, 27… ang
kabarkada koy, mother of 1, happy wife, happy life.
Canadian citizen at umuwi para magbakasyon at
syempre, sa aming simpleng reunion. (Simple kasi, ilan lang naman kami, 4!)
Tinatakay ang kahapon habang naglalakad papunta sa
counter upang bayaran ang aming kinuhang kung anu-anong abubot. Sabihin na
nating, ang grocery ay nagiging playground na talaga, pag ikaw ay nearing the
30s or 30s and above. Ouch! Nakakasakit ng waist talaga. Haha
Nang biglang… OH MY GOD!
IKAW?! Ikaw nga ba?
Naglalakad papasok papunta sa aisle na gusto mo.
Ako’y natulala. Oh my God!
“Prey, are you okay?”
Oh my God, siya! Siya nga talaga.
Tumingin ka sa aking banda at ako’u tuluyang
nakatunganga.
Parang sprite nung nasa elevator, nakita mo si
crush, ano ang gagawin mo?
A)
Play cool: Hey pare! Musta na ang puso mo? Akin wasak
pa din, wag kang mag alala, buhay pa naman sya brooo!
B)
Play sweet: Hey bud! How are you? *kumukuti kutitap
ang mga matang pumormang puso”
C)
Play safe: dali na gurl, dito na tayo dumaan, bawal
makakita ng multo ng kahapon!
Ang aking naging sagot, C. Play safe. Dali, diretso
ang tingin, wag ng lumingon. For the goal na sa counter.
“Prey, OMG! Luspad ka!”, sabi ng canadian.
My mind is still stinging. Parang naparalyze ng
kusa ang aking neck, kulang nalang sabitan ng c-collar sa ka-stiff nito. Habang
ang puso koy hindi paaawat sa pagbeat ng kung ano anung melody, talo pa ang
beatbox! Yung kumare nyang si Brain, ayun abala sa pag iisip. Nakita kaya nya
ako? Bakit sya nagkunwaring walang nakita? Affected? Is he affected as I am?
Kumusta na sya?
“huy prey!! Huy!”
Ha??
“anung nangyari sayo?”
Ah wala.. nakita ko lang naman ang ka first kiss
ko!
“whaaaat?!”
HAHA. ‘to naman, naniniwala agad. Wala, must be the
init. Ang init dito ha!
Kuwento ng kuwento ang kaibigan ko habang ako
naman,nangingiti. Ang totoo, para akong nakikinig ng greek habang nasa talk
show. Alam mo yung iinterviewhin ka pero yung interviewer is talking in greek,
at dahil nasa camera ka, hindi naman pwedeng, “anu yun? What? Or ha?” ang
magiging sagot mo, syempre ngiti ngiti lang para di magmukhang bobo at walang
naintindihan.
So there, nakita ko nga sya. Sabi ko pa naman bago
ako nagboard ng eroplano, Lord sana
if magkita kami ulit, maganda ako. So bigla kong naalala, ano ba ang suot ko?
Do I look fat? Gosh! Yung pimples ko sagabal sa landiang iminumungkahi ng aking
alter ego. haha
Nung natapos na ang pagbabayad sa counter, pasimple
kitang nilingun, ayun.. anong nakita ko? Wala. As in wala ka na dun sa
kinatatayuan mo. Pasimple kong sinurvey ang scene, ang mga possible mong
puntahan, ni anino mo, hindi ko na muling nakita. Nakakaligalig. Bakit may
epekto ka pa rin? Para kang perfume na di ko
bet, tinry ko lang, di na naalis ang amoy.
Ang puso ko! Kahit anung mungkahi kong wag magbigay
ng malisya, bakit kusang umaasa?
Tatlong taong nakalipas, ngunit andito pa rin ako,
maya’t maya kang naiisip. Nangangarap na magkrus ang ating landas at sa bawat imahe
na aking nakikita, syempre dapat, maganda ako! Haha Di nga, I was hoping to see
you, when I am more matured, when you don’t affect me as much as you did back
then, and maybe… when the pain subsides and all I can think about you is not
the chance that we missed but the chance that we get to meet other people who
would materialize what we planned then.
Sa grocery’ng yon, napagtanto kong namiss kita. Ang
mga usapang walang kwenta at mga maginoo ngunit medyo bastos mong hirit. Sana naging friends
talaga tayo at least kung hindi man nauwi sa paglalambingan at least hindi
naman nasira ang pagpapansinan.
Hindi ko alam kong nakita mo ako o kung nagkunwari
kang walang nakita kahit alam kong kakita kita talaga ako. Sa tangkad ko ba namang
ito, namiss mo? Naisip kong you usually would appear and say Hi first more than
I say hello to you. Ang awkward pala ano? Haha now I know bakit maraming nabubulag
sa pag ibig at sa pagkawala nito. Bulag ka kasi di mo nakikita ang mga flaws pag
ikaw ay in love at nagbubulagan ka pag natapos ang relasyon at nagkita kayo, same
as nagiging bingi at pipi din in both ways.
Should I have said Hello? Hindi ko alam.
Ako pa tinanong e sa mga pagkakataong ganito, hindi
ko talaga alam ang gagawin. Hayaan mo, next time tayong magkita, magreready na ako,
or kung malulon ko man yung dila ko, may recorder akong babati sayo kahit di mo
pansinin.
Comments