Ikaw

Somebody asked me, Ano ba talaga gusto mo sa isang guy?

Hmnnn… Naghuhumiyaw ang aking puso, nakahandang bumulong ang aking bibig “Ikaw”… Pero syempre naman teh, maloloka ang mga tala, syempre may paisip isip pa akong nalalaman, sabi ko, “Guy as a friend or boyfriend?” sabi nya, “syempre yung lifetime partner” at sa pangalawang pagkakataon, muntik kong masabi, “ikaw nga”

Ang lola mo kelangan din naming maglitanya de ti, may pa pause pause pa kunwari, at nasabi ko nalang, syempre yung faithful. Di naman sa naloko na ako or whatever pero first things first, I would like someone who’s loyal to me. Di yung makakita lang ng ibang mas maganda or mas sexy, wala, kakaripas agad ng takbo at parang asong susunod dun sa babae. Che! I’ve seen men who are like that. Kahit kasama yung gf, Makita lang ako, nakaturn agad ng head. Taray.

Di nga, I know naman di yan sukatan ng faithfulness diba? Pero naman! Pwede ba, guys wag masyadong pahalata. Pangalawa kong sinabi, dependable. Lifetime partner diba? Di basta bastang bf bf lang para may matawag na Bf perse. Syempre naman, yung katuwang ko sa lahat ng bagay. Yung alam kong I won’t be left out sa ere. Yung kaya akong iprovide at soon mga junakis namin (in far future). At syempre I like handyman. I am in love with one. Sya yung nakapantalon, ako yung nakapalda, alangan naman ako yung mag aayos ng bubong? Kahit pa can afford kunwari si future LP, still plus points pag may alam kahit near to basic carpentry nalang. Not necessarily karpintero yung makakatuluyan ko syempre!

Pangatlo, I would like someone na makakausap ko. Sabi ni Mareng Winnie, once you reach the age of 50 or kahit late 40s, wala na masyadong amor and sex. It’s about going to bed, kahit dark na at may konting light, wala nang energy ang body. Sabi pa nga, the mind is willing but the body is weak, so I would love to have someone na enjoyable kausap. Yun bang kahit ano, kahit weird pa yung topic, napag uusapan over a pint of ice cream in bed? Yun bang after work, you just cuddle while watching tv and exchanging insights? Ganun. Perfect yun. Mas meaningful, mas sweet. I’d die for a relationship like that.

Sabi ni boy, ano pa? five yung hinihingi kong qualities. Sabi ko, so far, yun lang muna. Mag iisip pa ako sa dalawa. Ang hirap sagutin e, kelangan talaga honest ako kung anong gusto ko. Kung magiging sobrang honest lang talaga ako, sasabihin ko sayong, di na ako naghahanap ng limang katangiang yun kasi…


Tanggap na tanggap na kita kahit anupaman! LOL


Comments

Popular posts from this blog

Love you to the heavens

Diffi-CULT

how to get a band score 6 and up without a review center