Peace tsong!

Naiinis ako.

Di sa nega ha. Ganito kasi yun, ang mga tao may sinasabi, sineshare tungkol sa buhay nila. Kung ano man yun, kung ikaw ay isa sa mga lucky winners na makarinig na kwentong ito, makinig ka na lang. If di mo trip, sabihan mo ako, or ilayo mo sa topic at nang mafeel kong di ka nga interested. Madali akong kausap.

Ang ayaw ko lang kasi, is yung nag sishare ang ale tapos, buhos na buhos na ang emosyon, deep and insightful na yung sinasabi tungkol sa self nya, (tumutol ka kung gusto mo pero) wag mo namang ipamukha sa kanya na magkaiba talaga kayo. Na mali sya at ikaw ay tama. Hala! ikaw nalang kaya ang mag share? at ako'y makikinig nalang.

For example, If magsasabi sya na ganito yung na feel nya, let her be. Let her feel that way. If ikaw ang tagapakinig, wala kang karapatan na husgahan sya sa nafi feel nya. Better yet, shut up. Kung di mo trip at tutol na tutol ka, pwede mo namang sabihing “talaga?” “ahh” Di importanteng tumutol ka kasi after all, yung nafi feel nya, personal yun eh. Sya ang nakakafeel. Kebs mo ba?

Pangalawa, ayaw ko yung may comparison. For example, Sasabihin nya, “for me, I don’t like…blah blah” tapos ikaw biglang sabi "hindi kasi..blah blah" ay deng, di pwedeng icompare mo sa sarili mo, at tututol ka ng bongga. Kasi nga, may “for me” meaning, para sa kanya. Ikaw nalang mag-sya if tututol ka pa kahit may for me na. Wag kang joiner sa emotion nya kasi sa kanya yun, yung sayo, sayo lang din.



Pangatlo, if lucky winner ka na pinagsabihan nung emotion, there’s no need for you to broadcast it to the world kahit pa pa-joke. Set limitations kung anong pwedeng ishare sa buong mundo at kung ano ang para lang sa inyo. Para ano pa’t namili sya ng mga tao kung lahat pala eh makakaalam?

Pang apat, wag kang inggitera. Jealousy is the appreciation of other’s blessings rather than yours. Kung Masaya man ang isang tao wag mong hayaan ang sarili mong maging dahilan ng kanyang kalungkutan. Miserable ka man o hindi. Wag kang pumapel. Kung sasabihin nya sayong “hay salamat okay yung exam ko, nakacheat pako konti” sabay naughty smile. wag mong sabihing “bad ka! Or I don’t cheat e kasi bad yun” Very irritating. Di maganda yung sinabi nyang ginawa nya but she’s counting on you that you know her better than that. Na di sya cheater, just getting naughty to hype things up. Sometimes yung words kasi is just a test of your knowledge to the person. Di pwedeng itatranslate mo in plain context.

Lastly, wag kang umechos. Wag mong isali ang self mo as if ikaw na ang may alam sa lahat ng bagay. Wag kang gumawa ng scene na ikaw lang bida, or else, pumunta ka sa banyo, magkulong at kausapin ng bongga ang sarili. Malay mo, blockbuster ang life story mo sa mga sarili mo na matatagpuan as audience sa banyo.

Di ako high blood. Sumasakit lang ang puso ko kasi di ko masabi ng bongga ang litanya kong ito. Pero choks! 



Comments

Popular posts from this blog

Friendship is spelled with END

how to get a band score 6 and up without a review center

Thanksgiving weekend