Leonidas


Leonidas.

Siya ay isang Spartan King na sobrang bongga ang ability to duel. Yung fighting skills nya, ibang level. Nakakabilib kasi since bata, yun talaga yung pinaghuhusay nila, Military Skills.

I got hooked during the holidays, napanood ko sa History Channel yung about sa mga Spartans. Di ko na sight yung Movie na 300, kasi nga ayoko yung sobrang bloody na movie. Parang nakakadepress lang kasi the more ko naiisip na ang mga tao ay foolish, nagpapatayan para sa wala. So yun nga, since wala naming work for three days, nascan ko sa tv yung about kay Leonidas at sa mga Spartans in general.


The Spartan elders play a key role to the society, kasi di lang sila yung parang congress na nagsesession to make a law, sila din yung may say if ang isang new born baby boy ay “fit” sa kanilang society. Like if ever man na yung anak mo ay may disability, tinatapon nila sa parang basurahan and is left to die. Kasi yung baby, does not belong to his parents, or not fit to live para sa sarili but for the state. O diba bonggang cruelty?


Di lang din Spartan boys ang with great power and strength, pati din yung Spartan mothers. Sinesend nila yung boys nila at 7 years old to a training. Yun yung training na parang 10 years ata yung duration, military combat talaga yung sinasanay. At 7, ang mga batang ito, tinuturuan na maging matapang at able talaga to fight. They are gathered and meron silang official na nagtetrain. Isang Spartan adult na magaling sa combat. They fought among themselves. Kahit mga bata, no holds bar, if istrangle, strangle the enemy to death. Kid power.

They are also encouraged to fight against their trainor. Like if they’re being hit to the core, they should fight back. Sinisipa, Jinojombag, strangled, and nilalatigo ng bonggels, no holds bar ang adult, dapat makaligtas ang bagets. Sociologists believe na dysfunctional yung society ng Spartans, but Spartans strongly believe na each one of them are for the state. Iaalay mo ang buhay mo para sa victory nito.

When these kids reach teenage years, mas nagiging rigid yung training, yung patayan kung patayan. Di pwedeng lalamya lamya. Yung final test nila, bibigyan sila ng task, parang bahay lang ni kuya, kelangan successful talaga sa mission or else, alam na kung ano ang mangyayari. Leonidas’ test was to strangle a slave to death. Basta dapat mapatay nya talaga at nagtagumpay naman sya. By then, pwede na syang isabak sa bakbakan at panlulupig, pangkoconquer ng colony. Again, yung role ng Spartan mothers, isesend off yung anak with the shield na sobrang laki. Yung shield na yun may ibig sabihin, it’s either you use your shield towards being victorious or gagamitin ang shield sayo para matransport ang dead body mo pauwi.

Imagine mo yun? Yung mga mommies ng Sparta, tanggap na nila kung anuman ang kapalaran ng mga warrior na anak. They believe in tough love. Na the only way to survive is to fight. Even them, they know military combat techniques. Di basta basta ang mga Spartan bebot, Fierce!

Minsan, nakausap ni Leonidas ang oracle, kasi pinapatulong sya ng isang bayan against sa fight nito with Persia, at sabi ng oracle, dapat may isasakripisyong someone para sa triumph ng Sparta. Akala ni leonidas siya yun, pinag isipan nyang mabuti, hanggang sa nakadecide ang lolo mo na tumuloy sa giyera. Nagselect sya ng 300 finest men, lahat yun skilled at experienced, (besides sa lahat yun fabulous ang body). Sabi nya, willing syang isakripisyo ang sarili para sa progress ng Sparta. Ibang klase. Sa mga combat nya, sya yung kataas taasang leader na nasa unahan ng linya sa giyera. Alam mo yung, kung ikaw ang kalaban, alam na alam mo kung sino yung unang tatargetin at matatagpuan lang din sya hindi sa hulihan o sa gitna ng batallion kundi sa frontline. Kakabilib.

Nafafascinate ako sa type of mindset na meron sila. Lalo na talaga sa mothers, Sobrang sakripisyo para sa state na pati anak mo, dapat talaga ibigay. Hay, naisip ko, Thank God! Salamat talaga at di ako nabuhay nung panahon nila, gustuhin ko man na magkaroon ng kahit konti sa kanilang prominent nose, dashing looks plus a body to die for and extreme strength, di ko type mabuhay sa giyera.

Pero di nga, may point is, sa modern day na kinasadlakan natin, di na uso yung itataya ang buhay talaga sa pakikidigma kung pwede namang makuha sa diplomasya. Yung atin lang, sana maadapt natin yung pagmamahal sa bayan na meron sila.

Kahit sana di magbuwis or isend ng sobrang rigid military combat ang ating mga punongbayan, Sana naman, yung pagmamahal sa bayan through pagiging honest at matapat sa tungkulin, yun nalang. Di na sana maging corrupt at oportunista. Mukhang imposible pero malay naman natin, may reporma, may pagbabago para sa ikabubuti ng marami. at progress ng state. yung totoo.

Sana. Sana lang. Kahit yung work ethics lang ni lolo Leonidas :)))


Comments

Popular posts from this blog

Love you to the heavens

Diffi-CULT

how to get a band score 6 and up without a review center