dougie

Flirt some.

Sabi ni Bro. Bo, tayong mga kababaihang single, kelangan daw talagang lumandi kahit papano. Kasi naman, ang mga lalake parang dolphins lang e, kelangan ng signal. Sabi nya send out the right signal. Di naman kelangang maghubad (seduction yan) or may pa labas labas pa ng dila (sexual connotation nato) habang kausap sya or from afar pag nagkahulihan ng tingin. Sapat na ang smile.

Sabi pa nga ng isang tweet, walang walang magandang babae sa malanding tanini. Tumpak! Kasi naman noh, pag magaganda nilalagay din ang sarili sa pedestal, parang sinasabing, “habulin mo ko, habulin mo ko” at di lang basta basta dapat ang humabol. Mali. Mali daw yun. Dapat be open. Walang diskriminasyon.

Sabi nga, talk to atleast 15 boys in a week. Not necessarily na landiin ng bongga, talk. Just converse. Kasi daw, dun mo malalaman kung ano ang gusto mo sa isang guy. The more ka daw mai expose sa guys, the more mo daw malalaman kung sino ang patok sayo at sino ang hindi. Wow parang manok lang naman or advertisement sa radio. Patok.

Infairness, andami kong natutunan sa libro nya. Ang problema, di ko alam paano iaapply. Mahirap. Mahirap bumaba sa tronong nakasanayan ko na. mahirap umislide pababa sa bundok kong may ulap ulap pa. Seryoso, paano ba?

Nagvolunteer ang officemate ko before, tuturuan daw akong mag flirting101, kaso natakot naman ako. Hardcore eh. Biglang naalarma naman ako, beginner’s level naman teh. Wag yung para akong timang, nagpapanic panic pa. kaloka!

Kaya ang ending, di ko nakeri. Back out ang drama ko. Kakatuwa. Super excited sila to teach me how to dougie, pero parang asong deprived, nabahag ang buntot. Atras agad. Pero ha, sa totoo lang, alam ko naman talagang instinct yun e, para ano pa’t nagging highest form of animalandia? Pero naman mas trip ko kasing maging Penguin. Alam mo yung, pag isa, isa lang talaga in this life time? Ganyan daw sila. Sana nga maging Penguin-like yung mga lalake.

Flirt some. Sa mga Aries na katulad ko, it is a common trait daw. Arians enjoy the chase and flirting is one of the famous methods. Pero teka, sa Zodiac ba katulad ng law? May Exemption to the rule? Kasi kung meron… parang.. ako yun!

Teach me how to dougie! Please? LOL

Sincerely,



Comments

Popular posts from this blog

Friendship is spelled with END

how to get a band score 6 and up without a review center

Thanksgiving weekend