basagan

Feel na feel ko na.

Sana naman next year meron na. Di naman sa ayoko na, nakakatakot lang kasi. Hanggang kelan? Wala nato sa plano. Ako’y lost in wilderness. I don’t know kung ano ang dala ni Haring Bukas pero sana naman magandang balita na.

Di sa desperado. Di din sa sabik na sabik. Pero naman, di din naman pwedeng wala talaga. Parang regalo lang yan e. Kahit di ka mag expect, alam mong meron talaga kahit singkong duling. Or di kaya libreng candy sa street habang ika’y naglalakad, di man made especially sayo yung candy at least meron kang natanggap. Wag nang choosy.

Ganito ang dilemma pag yun nalang ang kulang. Di na ako nagtataka kung bakit masungit si Miss Tapia. Di na din ako nagtataka kung bakit busangot ang kanyang mukha. Nagbi bitter bitteran. Bakit nga naman hindi? Eh kahit papano may itsura si Miss Tapia. Yung iba nga meron, sya pa kaya.

Minsan kasi nakakadepress isipin. Di naman sa zero ang mga kawal na umaaligid. Sadyang ang hirap lang talaga ng maintenance. Yung chuvah na kelangan mong iestablish. Wala sa libro. Nasa google pero puro tips lang, may steps di mo naman sure kung epektibo.

Hay buhay. Sabi pa nga, okay lang basta sampu sa mga kaibigan ay wala din. Damayan nato. Alam naman na darating kung darating parang ulan lang yan, di inaasahan pero kusang bumabagsak lalo na pag ika’y nakagetup. Haaay.

Di sa pre occupied. Wala lang. Feel na feel ko lang ishare. So sa mga makakabasa nito, wag ng magjudge. Di na kelangan yun. Kumbaga, share share lang naman to, walang basagan ng trip. Peace!



Comments

Popular posts from this blog

Friendship is spelled with END

how to get a band score 6 and up without a review center

Thanksgiving weekend