Finally

Eh kasi naman…


Bata. Young. Kid. Child.

I think I just found myself a new inspiration. Pag nakikita ko sya nawawala ang pagod, ang mga problema,, ang bigat, ang sakit, ang sama ng loob, ang sama ng tiyan at iba pang mga nega sa buhay ko. Picture pa lang, iba yung positivity na nararadiate.

Just a smile. Totoo pala yung kanta ni Barbie Almalbis. Smile pa lang nakakabuhay. Parang may bagong umaga naghihintay na puno ng pag-asa at kagandahan. Para siyang sunshine after the rain, di lang rainbow kasi konti lang naman ang nakakaaninag ng rainbow from a far. Sunshine kasi wide yung coverage.

Parang morning dew na mamasa masa pa sa mga bulaklak on a very cool weather. Parang jazz in a dim-lit room while sipping some wine. Parang bonus na kusang nacredit sa ATM mo kahit sa pagkakaalam mo’y wala naming bonus sa panig mo. Parang Christmas song sa mga malls. Parang Iphone4s na napanalunan mo sa raffle. Parang mana na kusang ibinigay sayo ng amo mong elderly at ikaw ung nagninurse.

Alam mo yung ganung feeling? Kung isa man sa mga nabanggit ko ang naexperience mo, alam kong alam mo ang ibig kong ipahiwatig. Eto kasi yung feeling na di mo nacocontrol. Feeling na di napepredict at feeling na hindi napaplano, di napaghahandaan. Eto yung feeling na masarap. Feeling na nagkokompleto sa buhay mo no matter how incomplete you felt like before.

Finally, He has arrived in my life. He has given me meaning. He has given me more than he can imagine. Everyday is a brand new day ‘cause I have a reason to wake up and feel the sun, the breeze and even the noise would feel like a melody to my ears.

Thank you, Babe! :)))))))


Comments

Popular posts from this blog

Friendship is spelled with END

how to get a band score 6 and up without a review center

Thanksgiving weekend