Mr. Phantom
Sa aking mga panaginip, paulit ulit ang tagpong may lalakeng nakaabang sa bintana.
At sa tuwing ako’y dudungaw, ay sya naming pagtalikod.
Bakit ganun? Bakit kahit sa panaginip, di ko pa rin nakikita ang guwapo kong prinsipe? Bakit sa aking gunita’y palagi syang naroroon ngunit, di ko maaninag kung ano ang kanyang mukha? Bakit sa bawat pagdalaw nya sa aking panaginip, nakikita ko ang kanyang ginagawa, nakikita ko syang, humahalakhak, tumatakbo, sumasakay sa kabayo, pero ni minsan, walang senyales kung ano ang hitsura?
Napapanaginipan kita aking prinsipe, pero naman, bakit di ko nakikita ang iyong mukha? Nais mo bang ipahiwatig sa akin na ako’y sobrang conscious sa pisikal na aspeto kaya sa tuwina’y larawan mo’y di mo pinaaninag?
Ang masakit pa, natutunan na kitang mahalin. Ikaw ang naging sandigan sa sandaling, lahat ng kamalasan ko sa mundo’y naharvest ko na, pipikit lang ako at ikaw ang nakikita, humuhupa ang pait at sakit sa lahat ng kabiguan.
May pangalan ka na nga, pinangalanan na kita para sa tuwing ako’y tatanungin at uusisain ng aking mga kaibiga’y alam ko ang pangalan mo, alam ko kahit ni isa sa iyo, alam kong mabait ka at dakila, mayroon akong ideya kung gaano kabuti ang puso mo, isa lang ang hindi ko alam, ang itsura mo.
Ang mga matang sa palagay ko’y may ibang kislap pag ako’y tinititititigan, ang ilong na matangos at nagmamarka ng iyong estadong kinabibilangan, aristokrato. Ang iyong buhok na makintab at sa tuwing ika’y nagiging abala sa mga Gawain sa bukirin, dahan dahan itong nahuhulog sa iyong napakagandang mukha. Ang pangang, prominente at ang mga labi… na sa tuwing aking tututukan, wala na akong iba pang maiisip kundi ang tamis ng iyong mga halik.
Sa tingin ko’y isa na akong delusional. Isa ka lang panaginip, at mananatili sa aking isipan. Isa ka sa maraming bagay na kumakalma sa intensidad ng aking pang araw araw. Isa ka sa mga bagay na kaya kong tawagin, isipin, papuntahin sa tuwing lungkot ang tangi kong kapiling. Siguro nga ikaw na.
Pero paano ko naman ipaliliwanag na ikaw ang namumukod tangi at nakabihag ng mailap kong puso?
Haaay, Mr. Phantom, may kakambal ka bas a totoong buhay? Please lang magpakita na!

Comments