chat

Eto na yun. Eto na yun e.

Yung feeling na parang di ka na magiging Masaya pag ikaw nalang at wala na sya. Yung feeling na kahit ano pa man, willing kang igive up ang kung anu ano nalang alang alang sa future mo na kasama sya. Yung feeling na parang walang meaning ang life kung di lang din naman sya ang makikita. At yung pinakabongga sa lahat, yung feeling na idedeactivate ang facebook porke’t sa dami ba naman ng taong online, ni isang letra ng pangalan nya, wala? Ano pang saysay ng facebook kung di lang din naman sya ang makakausap ko sana kahit sa chat?

Pathetic. Foolish and completely lost.

Correct. I am getting much illogical about my decisions. Kinausap ko nga ng masinsinan yung sarili ko, sabi ko, “what’s wrong with you?” aba sumagot, ang sabi “ what about you?” The tremendous deliberation is starting. Ang hirap. Nakakastress pala kausap ang sarili kasi walang nagpapatalo. Kesyo ito yung point ko at iba naman yung point ng half self ko. Kaloka! Ano ba talaga self?

Ansaveh ni Sisang Baliw sa peg kong self talking? Di nga. Parang natablan ata yung Achilles heel ko, pano ba naman may mga lalake talagang dakilang sweet at mejo flirty. Ako pa naman, I am not so accustomed. Di ko masyadong keri makipagbungguang siko sa mga ito. I have naman the cards to play along kaso parang poker lang, natatalo kasi nakikita sa mukha kung anong nahablot kong baraha.

The reason there being is that, I am not a player. Sa larangan ng pag-ibig kulang sa kembot. Haist. Parang wala akong time makipaglandian. Kulang sa pa-chummy. Siguro nung past life ko isa akong langaw, marami man ang nag attempt na pumalo, konti lang talaga ang nagsasucceed, minsan, wala talaga. Kaya patuloy ang paggala.

Anyway, what a metaphor, sa lahat ba naman ng maisip ko langaw pa talaga? In fair, in truth and in fact, naghihintay lang naman talaga ako e. Paano ba naman kasi kung sino yung gusto mo na gusto ka din, sobrang bagal. May epidemic din e, kung sino yung nagugustuhan mo na, syang pa’ng bibitiw.

Pero di nga, sana naman matuloy na to! Please lang, ikaw n asana, sana palagi kang online sa facebook, di lang chat promise, video chat na! Let’s go loverboy! LOL :D


Comments

Popular posts from this blog

Friendship is spelled with END

how to get a band score 6 and up without a review center

Thanksgiving weekend