Blue

Blue.

It symbolizes a lot of things. Pwedeng paboritong kulay sa gown, pwedeng sosyal, pwede din kung anuman ang sinasaloob ng isang tao sa ngayon. You see, depende sa paggamit at sa kalidad ng pagkahilig.

Would you believe, naisip kong mag motif ng royal blue para sa aking ika 25th na kaarawan. Kasi nga diba, never akong nagkaparty talaga na may balloons, clowns, jogglers, mantle na malasirena ang kulot ng tela, or even chairs na nakalinya para sa isang pagdiriwang. At 20, naisip ko, by 25, baka kaya ko ng magfinance ng sarili kong party. Yun bang naaayun sa mga yuppies or young, single and boldly fabulous professionals. Since di naman ako nagkaroon talaga ng engrandeng birthday, at 25 feel na feel kong icelebrate ito. My quarter life.

Royal Blue would be my color at 25. Parang sobrang grand, sobrang bold kasi nakakaattract ng attention. I like royal blue. Para siyang sleeping dragon. Amongst Red and Yellow, of course yung blue yung di masyadong napapansin, But Royal Blue is another story. It has in it mystery and a certain touch of sophistication. Bagay na bagay sa feeling kong personality ko. hehe

Sa totoo lang, di pa talaga ako ready mag 25. Nareremember ko nung 16 ako, I was so ready to be 18, palibhasa, anuman yung age ko as a teenager, it’s still the same, I am under my parents’ roof, I am under Bahay ni Kuya Rules at syempre under the saya ni mother. NI Eeek or eeenk, plak! Di pwede magtalk back or else sabog ang bibig.

Now, Parang andami lang kulang pa sa buhay ko bilang 24 at di ko pa masyadong naexplore yung mga things na dapat naexplore ko na. Parang may isang black hole parin at di ako magsisinungaling kung sasabihin kong black hole sa sentro ng sarili ko....

Which leads me sa pagiging blue. Minsan kasi I lose track of the time. Having single and fabulous friends parang okay lang lahat. Okay lang single basta happy. But now that I am about to reach a certain age, parang teka lang, pause, tanong ko sa sarili ko, “ha? Di parin? Wala parin?” Hindi naman sa bonggang pressured cooker ako but naisip ko, mygosh! I am surely not a teenager anymore. In fact, I am not under my parents’ roof na. This should be it.

Parang lately ha, nagiging blue ako sa kakaisip sa future ko. While others of my age are happily in love, here I am, in love na in love din… sa self ko! Parang teka lang, wait muna, have some time to open the door, have some time to enjoy the breeze and to see the world with 2 hearts and 4 eyes, meaning, not my usual self, alone lang, keri ang self portrait.

As I approach my quarter life, I think I am having a crisis talaga. Existent pala talaga sya. It’s not a myth after all. Parang video flashback. I need to get a grip kung saan talaga ako dapat. To know where I am and to know where I will be in the near future. Kung tutuusin, nakakaloka magi sip kung ano ang meron sa bukas. Pero at this point, mejo reasonable na talaga to continue a future on where I start and grow to be a tree from there years from now.

Kahit di man matuloy engrandeng royal blue occasion ko or kahit feeling Blue man ako ngayon. Sus bahala na! I know naman na if I make an effort lang talaga and try to outgrow fixations, I will soon BLUE-ssom! Chos! :D


Comments

Popular posts from this blog

Love you to the heavens

Diffi-CULT

how to get a band score 6 and up without a review center