deadly
Terrorist. Sometimes talaga may mga taong kung mangterrorize sa iba, akala nila sila lang ang magaling. Minsan, sobrang nakaka sad lang kasi yung taong tineterrorize nila, hindi nalang umiimik para walalng gulo, walang problema. To maintain the harmony sa loob ng opisina. I've been working my ass right after college graduation. Siguro, swerte lang talaga ako sa mga boss ko noon. Or maybe, kasi willing naman talaga akong matuto sa mga ins and outs of the business. Or maybe mas compassionate lang talaga sila compared sa kung ano at sino ang meron ako ngayon. I am not saying naman na sobrang terorista ng mga colleagues ko now, but siguro nasanay lang akong di pinapakialaman sa mga tasks ko sa opisina. I work with minimum supervision. I work with autonomy. Ayaw ko yung may nakabantay sa likod ko habang ginagawa ko ang tungkulin ko, Una kasi, nakakaconscious, Pangalawa, if you believe in my potential you should know that I get things done as fast and accurate as possible. ...